Posible kaya na ang katabi mo sa opisina o yung kaibigan mo na parating nag clash of clans o yung kapitbahay mo na AlDub fan ay #Bobotante? Sabi nga nila nothing is impossible.

Kumakailan lang, I read an article that 37% of voters are aged 18-35. Having said, it is my moral obligation to convince my friends not to be a #Bobotante. Kaya magmasid at maghanap ng mga #Bobotante friends and give them a slap in the face before it’s too late and soon we might have a corrupt president sitting. Here’s how to spot them:

1. They haven’t registered with the COMELEC – Bakit ang mga Pinoy reklamo ng reklamo sa facebook na bulok ang Pilipinas eh di naman pali sila bumuboto. Magparehistro ka muna or keep quiet. Shhh…

2. They are registered but they don’t have complete biometrics – Yung totoo? Excited ka bumoto, pag dating mo sa voting booth di ka pabobotohin dahil wala kang biometrics. Please, mag check muna sa COMELEC website para hindi ka nganga.

3. They post in facebook “I won’t vote this 2016, all politicians that are running are dumb” – Sa totoo lang every time you don’t vote you are giving supporters of corrupt and dumb politicians plus 1 point. Why? Because ang gap ng manok nila versus sa ibang presidente tumataas everytime you don’t vote. Dumb politicians are not the problem, dumb voters are the problem. Kung tinamaan ka sorry ka na lang.

4. They vote based on popularity in TV, facebook and other advertisements – Yung totoo? Pag nakita lang na maraming advertisement sa TV iboboto agad? Mag isip isip ka naman. Saan ba nila babawiin ang ginastos nila sa advertisements? Eh di sa pera ng taumbayan! Sige push mo yang kandidato mo.

5. They don’t do their own research – May google naman diba? Magisip isip din pag may time. Huwag kopya ng kopya sa sagot ng iba. Yung ginagawa mo nung estudyante ka pa huwag gamitin sa pagboto. Hindi kailanganang pareho ang sagot mo sa mga seatmates mo. Kung wala kang wifi manghiram ng password sa kapitbahay. K?

6. They sell their votes – Magkano ba ang boto mo? Bakit mo ba binibenta? Sa tingin mo yung ginastos ng mga pulitiko sa mga bobotante hindi nila babawiin pag na elect sila? Mag isip ka. Matalino ka naman diba? O hindi. Hahaha!

7. They keep complaining they are too busy to be involved in voting – Yung totoo? Busy ka pero nakakapagfacebook ka? Ano ba nman yung isang araw na ilalaan mo para maka halal tayo ng maayos na pangulo. Mag isip ka nga. Anong gusto mo? Anim na taon tayo magdudusa sa pangit na pangulo o isang araw na pagboto. Pwe… Busy daw…

8. They don’t know their precinct number – Yung totoo? Pipila ka ng pagkahabahaba sa Alabang tapos sasabihan ka lang na mali yung precinct mo sa Fairview pala. Ano ba yan kuya.

9. They don’t teach their parents and neighbors who to vote – Sa totoo lang kung nakakabasa ka neto ibig sabihin gusto mo ng pagbabago. Kaso yung kapitbahay mo walang internet o kaya ay walang muwang. Hindi mo alam #Bobotante pala. Paki sampal sa mukha nya para gumising sa katotohanan. Maging aktibo sa pag sabi sa anomalya ng mga kandidato kasi yung iba lalo na sa mga remote areas na walang kuryente walang alam. Binibrainwash ni mayor na kaalyado ni corrupt.

10. They don’t share this article to other #Bobotantes in FB – Sa totoo lang kailangan nating magkaisa. Tumulong at mag share ng mga articles katulad nito para kumonti ang mga #Bobotante. Malay mo baka tinamaan ka sa mga sulat ko dahil hindi mo alam #Bobotante ka din pala. Joke lng. Good vibes lang.

Picture

ABOUT THE AUTHOR:  

Mark Joseph T. Fernandez, CPA, RFC, AFA is the founder of FinancePH and is one of the top financial advisors of Insular Life. He has helped hundreds of people start saving, investing and insuring. Aside from spreading financial literacy his wildest dream is to be senator at age 40. Reach him at mjtfernandez@gmail.com.

Leave a comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *